7 taong gulang na bata, naglalako ng gulay upang makatulong sa nanay at tatay



Sa halip na magsaya sa paglalaro at pag-aaral, paghahanap-buhay ang inaatupag ng  pitong taong gulang na bata mula  sa General Mariano Alvares, Cavite upang kumita ng pera at makatulong sa pamilya.

Naglalako ang batang sa Jhoncent Celicious ng mga nakasupot na gulay na nakalagay sa  isang basket na pinupusan niya sa ibabaw ng kaniyang uulo. 

Pag-amin niya, anim na taon pa lamang siya ay nagtitinda na siya nang sa gayon ayy matulungan niya ang kaniyang mga magulang sa mga gastusing bahay,

Ayon kaniyang ina, hindi raw nila inutusan or tinuruan ang anak na maghanap-buhay kung kaya nagulat na lamang sila nang isang araw ay maglako ito ng mga gulay.

Pang-pito si Johncent sa sampung magkakapatid. Bagamat nakakapasok pa siya sa paaralan, ang ilan s akaniyang mga nakatatandang kapatid ay nahinto na sa pag-aaral.

Hirap sa pagtatrabaho ang kaniyang ina dahil sa kaniyang goiter at hika habang ang kaniyang ama naman  ay walang trabaho magmula pa noong isang taon.



7 taong gulang na bata, naglalako ng gulay upang makatulong sa nanay at tatay 7 taong gulang na bata, naglalako ng gulay upang makatulong sa nanay at tatay Reviewed by admin on February 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.