Nananawagan sa netizens ang Pamilyang Revilla na isama sa panalangin si Lani Mercado-Revilla dahil daraan sa operasyon.
Ang Senador at mister ni Lani nasi Bong Revilla Jr. ay inihayag nito ang panawagang pagdarasal para sakanyang asawa na daraan sa Angiogram procedure.
Angiogram procedure ay isang paraan kung saan tutusukin ng aparato ang isang ugat upang alisin ang bara na nakakaapekto sa maayos na pag daloy ng dugo papunta sa puso.
Sabi ng actor-senator sinamahan lang daw siya ni misis sa ospital para sa kanyang executive check-up pero nagdesisyon itong magpatingin na rin.
At base sa resulta ng isinagawang test sa aktres, may nakita raw na kaunting diperensiya sa kanyang puso kaya kinailangan na siyang magpa-angiogram.
Ayon kay Bong, kapag hindi naging maganda ang resulta ng test, sasailalim na si Lani sa angioplasty para maibalik sa normal ang daloy ng dugo sa kanyang artery.
“Lani will be undergoing an angiogram tomorrow. May nakita kasi sa kanyang annual check-up that needs to be looked at. We are praying that it is nothing to be concerned about. Salamat sa inyong mga dasal,” post ng actor-politician Sa Facebook.
Sa tulong ng dasal at panalangin, umaasa ang pamilya Revilla na magiging maayos ang Angiogram procedure na gagawin para kay Lani.
Bong Revilla, humihingi na ipagdasal ang kanyang asawa na si Lani Mercado
Reviewed by admin
on
February 06, 2021
Rating:
No comments: