Gaya ni Jesus, handa ka rin bang magsakripisyo para makatulong sa kapwa?


Ang kahulugan ng serbisyo-publiko ay isang paglilingkod na walang pagmamaliw at hindi nilalagyan ng limitasyon ang tulong na maaaring ibigay sa kapwa.

Ganito ang ipinakita ni Hesus sa mabuting balita (Marcos 6:30-34) na ang paglilingkod sa kapwa ay walang pinipiling oras kahit patal na sa pagod ang kaniyang katawan ay nagagawa  pa rin niyang maglingkod para sa kapakanan ng mga taong dumulog sa Kaniya.

Hindi niya inuuna ang aniyang sarili ang lagi niyang binibigyang prayoridad ay ang pangangailangan ng mga taong lumalapit sa kaniya para sila ay gamutin sa kanilang mga karamdaman at turuan ng Salita ng Diyos.

Ipinapakita lamang ni Hesus ang tunay na kahulugan ng salitang paglilingkod, napakaganda niyang halimbawa at dapat tularan na ibigay din natin ang lahat ng ating magagawa at magsakripisyo para makatulong sa iba.

Hindi ikinagalit ni Hesus ang pangyayari na naabala ang dapat sana'y pamamahinga nila hindi niya itinaboy ang mga tao. Sa halip, habag ang kaniyang naramdaman dahil tila tupang walang pastol ang mga taong lumalapit sa kaniya na kailangan ng kalinga

Kaya ba natin tularan ang ginawa ni Kristo? Halimbawang may lumapit sa iyo para humingi ng tulong habang ikaw ay nagpapahinga?  Itataboy ba mo ba ang taong ito dahil inaabala ka niya o bibigyan mo ng prioridad ang iyong kapwa na humihingi ng tulong sa iyo?


Gaya ni Jesus, handa ka rin bang magsakripisyo para makatulong sa kapwa? Gaya ni Jesus, handa ka rin bang magsakripisyo para makatulong sa kapwa? Reviewed by admin on February 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.