Mala-prenup shoot ng senior couple pinupusuan ng maraming netizen!



Viral ngayon ang isang senior couple mula sa Upi, Maguindanao dahil sa kanilang mala-prenut shoot na isinagawa bilang pagdiriwang sa kanilang ika-50 wedding anniversary noon lamang Pebrero 2.

Kwento ng mag-asawang Renato Moncera, 81, at Virginia, 71, wala silang kaalam-alam na may magaganap palang photoshoot noong nakaraang linggo

Pakan raw pala ito ng kanilang anak na kumontyaba sa isang make-up artist at photographer.

"Suprise kasi talaga. Nalaman na lang namin nung nandon na kami sa hotel. 'Yung kasama na namin... Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin," kwento ni Virginia.

Pagbabalik tanaw ng mag-asawa, wala man lang ligawan na nangyari sa kanilang relasyon. Anim na buwan matapos nilang magkakilala ay nagpakasal na sila hanggang sa mabiyayaan sila ng 12 anak.


Mala-prenup shoot ng senior couple pinupusuan ng maraming netizen! Mala-prenup shoot ng senior couple pinupusuan ng maraming netizen! Reviewed by admin on February 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.