P10,000 na panibagong ayuda kada pamilya, sinusulong sa kongreso ni Cayetano


Umapela si former Speaker Alan Peter Cayetano kay House Speaker Lord Allan Velasco na isama ang kanilang isinusulong na programa na magbibigay ng karagdagang cash aid sa mga pamilya na lubos na naapektuhan ng pandemya.

"Kami'y nakikiusap sa Kongreso na bago natin pagusapan 'yung Cha-cha, bago natin i-rush 'yan, divisive 'yan, maganda man ang ibang ideas, ang kailangan ng tao talaga 'yung dagdag na pera sa kanilang bulsa," ayon kay Cayetano.

Ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program na magbibigay ng P1,500 bawat miyembro ng pamilya o P10,000 sa bawat pamilya alinman ang mas malaki.

"Sana po regardless kung sino nagpropose, bigyan ng equal pagpapahalaga ng bagong leadership. Tanda niyo po noong time namin, wala kaming pakialam kung sino ang nag-propose, oposisyon o administrasyon, minority o majority, basta't maganda ang proposal, we give it to the COVID committee and niraratsada namin 'yan," dagdag ni Cayetano.

"Sana nga we will have the support din despite the fact na kami ang nag-propose nito. Kung gusto nilang burahin pangalannamin, lagay pangalan nila para lang mapabilis 'yung proposal noon, papayag naman kami."

Sinabi ni Cayetano, na kailangang kailangan ang financial assistance para mapalakas ang consumption sa gitna ng price hike.



P10,000 na panibagong ayuda kada pamilya, sinusulong sa kongreso ni Cayetano P10,000 na panibagong ayuda kada pamilya, sinusulong sa kongreso ni Cayetano Reviewed by admin on February 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.