Mga plastic bag na punong-puno ng mga ginupit-gupit na pera ang natagpuan ng mga residente sa Barangay Cagay, Roxas City.
Ayonsa ulat ng "24 Oras" noong Lunes (Pebrero 15), ang mga pirat-pirat na pera ay iniwan ng truck na siya sanang magdadala ng mga ito sa isang dumpsite ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa San Jose, Roxas City.
“It so happened lang na ‘yong truck namin galing central bank papuntang dumpsite, dumaan dito kasi na-flat,” lahad ng contractor na si Jonathan Agrasada.
Ayon kay Agrasada, ibinaba lamang nila ang mga plastic bag na naglalaman ng punit-punit na pera upang ipaayos ang kanilang sinasakyang truck.
Saad naman ng BSP, iniimbestigahan na nila ang mga naging pangyayari at naihatid na ang mga punit na pera sa kanilang dumpsite.
Punit ng mga pera sa Roxas City natagpuan sa isang baranggay
Reviewed by admin
on
February 17, 2021
Rating:
No comments: