Muling makatatanggap ng tulong pinansiyal ang mga pamilyang Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic sa oras na miasabatas ang House Bill 8682 o Bayanihan to Arise as one Act.
Aabot s P420 billion ang nakapaloob na pondo sa panukala. Ang P108 billion na parte nito ay mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon ng panibagong Social Amelioration Progam (SAP).
Ang ibang porsyento ng pondo ay nakatakda namang mapakikinabangan ng mga negosyong labis na naapektuhan ng pandemya, mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, guro, imprastruktura, at bakuna laban sa COVD-19.
Giit ni House Speaker Lord Allan Velasco, isa sa mga may-akda ng panukala, hindi sapat ang tulong na naibigay ng gobyerno sa pamamagitan ng Bayanihan 1 at 2 kung kaya umaasa sila na susuportahan ng Palasyo at Pangulo ang Bayanihan 3.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 115 na kongresista ang nagpakita ng suporta sa House Bill 8682.
No comments: