Isang lalaki ang nagtitinda ng mais habang buhat niya ang kanyang anak na isang buwang gulang pa lamang
Ayon sa post ni Cristina Magpuyo Birao, nadaanan niya ang isang lalaki na naglalako ng hilaw na mais habang buhat ang kanyang anak na isang buwang gulang pa lamang.
Kailangan umanong kumayod nito para may makain silang mag-ama dahil umalis ang kanyang asawa kasama ang isa pa nilang anak.
Dahil wala umanong magbabantay sa anak niya kaya niya ito sinama sa kanyang paglalako.
Humihingi umano ng konting tulong si Cristina para sa mag-ama dahil kawawa naman umano ang sanggol dahil bilad ito sa araw dahil sa paghahanap-buhay ng kanyang ama.
Sa mga gustong tumulong ay kontakin lamang si Cristina para maiabot sa mag-ama ang tulong na kailangan nila.
king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay(opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya…????PLS..RESPECT my post po
Mga Komento ng Netizens
Kawawa naman yong bata bakit naman nagawa ng asawa nya na iwan sila nakakaawa yong bata na wala naman kinalaman sa kung ano ang hindi nila pinagkakasundoan
Ang hirap magdalang tao pero bakit my taong kayang iwan ng ganun ganun nlng ang kanilang supling magpakatatag ka tay mahirapan tumayung ina pero kakayanin makita lng nating masigla at malusog ang ating mga anak ay salute to you
#raffytulfoinaction
#erwintulfo
#ACTCISPartylist
#bentulfo
No comments: