Kilay is life, yan ang motto ng mga babae, hindi makaalis-alis ng bahay ng hindi nakapag drawing ng kanilang kilay.
Kapag nakasanayan na kasi mahirap na daw mawala sa kanila ang mag ayos, para mag mukha daw presentable sa kanilang pupuntahan lalo na kapag papunta sa trabaho.
Pero ilagay naman sana sa wastong lugar ang pagkikilay ninyo para hindi matulad sa babaeng ito.
Isang babae sa Bangkok ang napabalitang aksidenteng natusok ang kanyang kaliwang mata ng eyebrow pencil dahil sa kanyang pagmamadali at ito ay ginawa nya habang nasa byahe.
Sumakay daw ang Thai Woman sa isang taxi papunta sa kanyang trabaho ng mangyari ang aksidente at mauuwi pa sa isang operasyon.
Nagkataon daw na nagkikilay ang babae ng nabangga ang kanyang sinsakyang taxi sa likod ng isang pick-up truck, mabuti naman at ligtas ang driver at ang babae ngunit dahil sa kanyang pagkikilay ay natusok ang mata nito.
Inoperahan naman kaagad ang babae at natanggal ang pencil na nakatusok dito. Hindi naman binigay ang buong pangalan ng Babae pero sa wakas ay naligtas na ito sa kapahamakan.
Kaya magsilbing halimbawa po sana ito sa mga nagmamadali, wag nalang po kayong mag make up o magkilay habang nasa byahe, hintaying maka baba po para iwas sa ganitong insedente.
Mga Komento ng Netizen
Di naman masamang magkilay .ang masama lang yung hinuhusgahan yung kapwa mo .pero sana pagmagkikilay dapat sa bahay para safe wag sa sasakyan delikado . ako nga di talaga ako umaalis ng walang kilay ii kya sa bahay ko nalng ginagawa para di madisgrasya ?
E di dapat sa bahay palang pagkatapos mong maligo magbihis atsaka magpaganda ganyan nman tayong mga babae maramingkaartihan sa mukha lalot manipis ang kilay natin..hndi nman dpat sa sasakyan ka magpaganda..dapat bafo umalis ready na tapos na ang mukha..ayan tuloy…
Hindi sa hindi kuntento kung nakasanayan ng magkilay kahit saan…Malay niyo naman Nagmammadali sa Work at sanay na siyang magkilay kahit naglalakad….Judgemental naman ninyo…Kung Hindi kayo nagkikilay hayaan niyo na..Hindi naman siguro nanghingi pambili ng Pencil sainyo at pagpagamot sa Natukso niyang Mata
No comments: