Isang 98 Taong Gulang na Lolo Napatayuan na ng Maayos na bahay, Pagkatapos Tumira sa sira sirang bahay!
Sa panahon ngayon, maraming mga tao ang nawalan ng tirahan dahil sa naging hagupit ng mga nagdaang sakuna. Kung kaya’t ang iba ay kung saan-saan na lamang nakatira para lamang may tahanan na masisilungan.
Kagaya na lamang ng kwento ng isang Lolo na tiniis ang tumira sa mala-pugad na tirahan upang may matuluyan lamang.
Ang matandang lalaki na ito ay si Lolo Bonifacio na taga Manggan, Banga, Aklan, siya 98 na taong gulang. Ayon kay Lolo Bonifacio isa siya sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda taong 2013 pa na naging dahilan upang mawalan siya ng tirahan. Kaya’t simula nun naging na ganoon na lamang ang kaniyang kalagayan sa buhay.
Ang nakakaawang kalagayan ni Lolo Bonifacio ay natuklasan ng minsan mayroong nag-census sa lugar ng kaniyang tinitirahan.Ayon sa mga ito, ang tirahan ni Lolo Bonifacio ay mala-pugad ang itsura at talagang kalunos-lunos.
Kaya nang napag-alaman ito ng vlogger na si Archie Hilario o mas kilalang bilang ‘Pobreng Vlogger’ ang isa sa mga unang tumulong kay Lolo Bonifacio na mapatayuan ito ng maayos na tirahan. Dahil na rin sa post ni Archie sa kaniyang vlog, marami ang nakakita nito ay naawa kay Lolo Bonifacio. Kaya dahil dito dumagsa ang mga tulong para kay Lolo Bonifacio.
Isa na rito, ang mag-asawang mula sa Amerika na nagbigay ng tulong kung saan sila ang sumagot sa mga materyales ng pagpapagawa ng bahay, ngunit hindi na nila pinaalam ang kanilang mga pangalan.
Napag-alaman din ni Archie na wala palang palikuran ang tinitirahan ni Lolo Bonifacio kaya siya na ang sumagot sa mga materyales upang mapagawan rin ng maayos na palikuran magiging bahay ni Lolo Bonifacio.
Kaya buong pusong nagpapasalamat si Lolo Bonifacio sa mga taong tumulong sa kaniya lalong-lalo na sa vlogger na si Archie. Dahil dito nabigyan siya ng lakas ng loob upang magkaroon ng pag-asa sa buhay.
Kitang-kita sa kaniyang mukha ang labis na kasiyahan dahil pagkatapos ng maraming taon, siya ay magkakaroon na uli ng sarili niyang tahanan.
No comments: