Kabit Serye: Jowa Na Nagpaalam Lang Magpa-Change Oil, Nahuling May Babae!


Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae ay bantay sarado ang boyfriend at asawa nila. Ngunit minsan, kahit gaano ka pa maingat, hindi mo pa rin mapipigilan kung magloloko ang partner mo.

Ang masakit pa dito, sa taong itinuring mo pang kaibigan! Ganito ang naranasan ng isang netizen na ito. Naubusan na ng pasensya si Kathyrine Roman sa kanyang fiance na si Yves Esteban.

Ayon kay Kathryrine, nagpaalam lamang ang fiance niya na magpapa-change oil ito, ngunit nagulat na lamang siya nang may kitain pala itong ibang babae! Labis ang galit ni Kathyrine nang makita niyang kaibigan niya pa pala ang nilalandi nito.

Read Also: “Sasabunutan kita”- Talagang Hindi Inasahan ng mga It’s Showtime Cast ang Ginawang Ito ni Vice Ganda sa Kanila

“Diba Sarah de Leon? Tinatawag mo akong ate habang pa sikreto kang nakikipagkita sa finace ko na tinatawag mong Kuya Yves? Ang bata mo pa. Mali ka ng taong binangga. May kalalagyan ka sakin. And I have more receipts to come kaya brace yourself! Una pa lang yan, sorry ka pagod na ko manahimik.”

Ngunit bago pa man ito, ilang beses na rin daw nagsuspetsa si Kath sa kanyang kaibigan. Dahil nasa abroad si Kath, hindi niya kasama araw araw ang fiance niya. Nagsimula raw siyang magtaka dahil laging kasama ni Yves si Sarah, na ilang taon ring mas bata sa kanila

Nahli pa raw ito ng ibang tao na magkasamang nag-iinuman. Ayon kay Kath, matagal na ring tinatago ng dalawa ang relasyon nila. Matapos ibuking ni Kath ang isyung ito, maraming babae rin ang lumapit sa kanya at nag-open up dahil si Sarah di umano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng kanilang mga boyfriend.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang talagang nanggigil sa isyung ito. Maraming babae rin ang naka-relate. Ayon naman kay Kath, tuluyan na silang naghiwalay ng kanyang ex at mas masaya siyang na-expose ang ugali nito habang maaga pa lang.

NARIRITO ANG POST


Kabit Serye: Jowa Na Nagpaalam Lang Magpa-Change Oil, Nahuling May Babae! Kabit Serye: Jowa Na Nagpaalam Lang Magpa-Change Oil, Nahuling May Babae! Reviewed by admin on March 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.