Arestado sa awtoridad ang isang lalaki na inireklamo matapos umanong makapangikil ng P2 milyong kapalit ng proteksyon mula sa masasamang espiritu.
Ayon sa ulat ng "24 Oras" noong Biyernes (Marso 3), nakilala ang suspek bilang si Rickson Aviso na hinuli ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division.
Base sa naitalang reklamo, nagpapakilala ang suspek sa biktima bilang isang anghel umano. Nag-aalok ito ngproteksyon kontra sa masasamang espiritu kapalit ng pera
Nang tumanggi na ang biktima sa pagbibigay ng salapi, dito na raw nagsimulang manakot at magbanta ang suspek kung kaya umabot sa P2 milyon ang kaniyang naitangay.
"Kinuha muna ni subject 'yung loob ng ating biktima na dahilan para magtiwala naman si victim. Kinalaunan noong nakuha na 'yung loob niya nanghingi siya ng pera," lahad ni Atty. Michelle Valdez, Executive Officer, NBI-CCD.
Tumangging magbigay ng panayam ang suspek. Paalala naman ng NBI, dapat na maging maingat at masuri sa mga nagpapakilala sa atin sa social media.
No comments: