Sa araw-araw na biyaya ng Maykapal, maswerte ang ilang senor citizen na may mga benebisyong nakukuha mula sa pinagtrabahuhan nila at ang iba naman ay may pamilyang sumusuporta sa mga panggastos, pangbili ng gamot at pagkunsulta sa doktor.
Narito ang isang larawan ng matandang natutulog at namamahinga habang nasa tabi ang mga panindang gulay. Nakakalungkot lang na makakita ng mga ganitong larawan. Nakakaawa ang ganitong sitwasyon dahil kailangan pa din ng lola na ito na maghanapbuhay dahil sa kakulangang pang-pinansyal.
Sa pandemyang kinahaharap natin ngayon kasabay pa ng krisis sa bansa, mahirap ng umusad lalo na kung nasa pinakailalim ka, ang mahihirap ay lalong naghihirap. Sa ating mahal na gobyerno, sana ay mabigyang pansin ang mga senior citizen. Sa mga nangyayari sa bansa, sana ay huwag natin isantabi ang mga mahihirap lalo na ang mga senior citizen. Hirap at sakripisyo nila ang pundasyon nila para manatili sa buhay.
Para naman sa mga mahihilig tumawad, kung sa tingin natin ay kaya naman nating mabayaran ang presyo ng paninda nila ay huwag na sana humungi pa ng bawas dahil hindi natin alam kung anong hirap at sakripisyo nila mairaos lamang ang pang araw-araw.
God bless Lola ! ! ! WISHING YOUR A GOOD HEALTH AND SAFETY
No comments: