Panibagong ayuda ang ibibigay para sa mga lugar na nasa ECQ


 Isinailalim muli sa strict lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Ca­pital Region, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna. Tiniyak ng Malacañang na makakatanggap ng tulong pinansiyal ang mga mamamayan na nasa ilalim ng ECQ.

Naiintindihan ni

Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring makapagtrabaho ang mga nasa ECQ kaya magkakaroon ng tulong mula sa gobyerno, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Because the President understands that there will be no work while we are under ECQ, there will be aid given to our countrymen,” sabi ni Roque.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos aprubahan ni President Duterte na ilagay sa ilalim ng ECQ ang mga nasabing lugar. 

Hindi pa tiyak kung magkano ang pinansiyal na tulong na ibibigay ng gobyerno.

Inilagay sa tinatawag na "NCR plus" ang mga nasabing lugar dahil sa lumalaking bilang ng C0VID-19 case sa bansa.


Panibagong ayuda ang ibibigay para sa mga lugar na nasa ECQ Panibagong ayuda ang ibibigay para sa mga lugar na nasa ECQ Reviewed by admin on March 29, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.