Panoorin:5-taong gulang na bata sin4ksak ng bisita na nagtangkang halayin umano ang kaniyang ina



Malubhang nasugatan ang isang limang-taong-gulang na lalaki matapos siyang saksakin ng bisita nilang lalaki na nagtangka umanong pagsamantalahan ang kaniyang ina sa Carmona, Cavite.

"Wala na pong biyahe 'yung asawa ko po. Bale po nu'ng araw na 'yon, pumunta sila rito, sumama po sa kaniya, bale po parang bisita na namin siya," kuwento ni "Jenny," nanay ni "Buboy," mga hindi nila tunay na pangalan, ayon sa ulat ni John Consulta sa GMA News "Saksi."

Ayon kay Jenny,  dakong 1:00 am nang pasukin sila sa kuwarto ng itinuring nilang bisita.

"Bigla pong pumasok sa kuwarto namin. Bigla po siyang umakyat sa higaan namin, balak po akong pagsamantalahan, gagahasain po ako," sabi ni Jenny.

Dahil dito, nagising si Buboy na nasa kuwarto rin noon, at sumigaw kaya nagising si Jenny.

"Sumigaw ako kay mama, tapos si mama nagising tapos tinakpan niya (suspek) 'yung bibig ni mama," ayon kay Buboy.

Sa galit ng salarin, sinaksak niya nang dalawang beses sa tagiliran ang bata

Dahil sa paghiyaw ng bata, naalerto na rin ang kanilang padre de pamilya at iba pang kaanak kaya nahuli ang salarin.

Nakakulong na sa Carmona, Cavite ang suspek na nahaharap sa mga reklamong frustrated rape, frustrated murder, at child abuse.

"Kaya raw po nagawa niya kasi raw po, naiinggit daw po sa amin na buo 'yung pamilya tapos natukso raw po," ayon kay Jenny.

Maayos naman ang kondisyon ni Buboy pero kailangan siyang tutukan lalo sa aspetong mental at emosyonal.

NARIRITO ANG VIDEO PANOORIN!


Panoorin:5-taong gulang na bata sin4ksak ng bisita na nagtangkang halayin umano ang kaniyang ina Panoorin:5-taong gulang na bata sin4ksak ng bisita na nagtangkang halayin umano ang kaniyang ina Reviewed by admin on March 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.