Kahit may edad na, patuloy pa rin sa paghahanap-buhay ang isang lola na gumagawa ng bolo holster sa Calasiao, Pangasinan para sa kaniyang asawa na may kapansanan.
"Na-stroke si tatay noong 2014, tapos ako na lang ang gumagawa. Ako na lang 'yung nananahi, naghahanap-buhay tapos tinutulungan ako ng mga anak ko na gumagawa," kwento ng matanda.
Ayon kay Nanay Laura dela Cruz ng Barangay Gabon, napilitan ang kanilang pamilya na tumira sa Calasiao nang masira ang kanilang bahay dahil sa lahar na dulot ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Nahirapan sa pagbangon ang pamilya Dela Cruz dahil bukod sa bahay, ay wala rin silang ipon at hanapbuhay. Mabuti na lamang at tinulungan sila ng isang gumagawa ng gulok sa kanilang lugar na magkaroon ng puhunan pangsimula sa kanilang bagong pagkakakitaan.
Magbuhat noon ay kumakayod na bilang bolo holster maker si Nanay Laura. Dito na rin siya nakilala ng mga tao sa Calasiao magpahanggang ngayon.
Sa kabila ng hirap, patuloy pa rin nagiging matatag ang kapit ni Nanay Laura sa Diyos. Tanging dasal niya ay bigyan sila ng kaligtasan at kalakasan sa pamumuhay bilang isang pamilya.
No comments: