75-anyos na lola, pamumulot ng palay ang diskarte para makakain



Para lamang mairaos ang kaniyang pang-araw-araw na pangkain, matiyagang namumulot ng tira-tirang palay sa bukid ang 75-anyos na Lola sa Barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija.

Alas siete pa lamang ng umaga ay nagtutungo na sa bukid si Lola Rosita Corpuz upang pulutin ang mga palay na naiwan ng combine reaper-harvester, isang makina na ginagamit ng mga magsasaka.

Bitbit niya ang kaniyang lingkaw at nakatali naman sa kaniyang baywang ang sakong paglalagyan ng kaniyang mga napulot na palay. Dala-dala niya na rin ang kaniyang pagkain para sa tanghalian.

Pag-sapit ng alas-singko ng hapon ay uuwi na ang matanda bitbit ang kaniyang mga naipong palay na kung minsan ay tumitimbang ng limang kilo.

Pagkauwi, agad namang ginigiik ni Lola Rosita ang mga palay gamit ang kaniyang mga paa. Minsan na itong nakaipon ng dalawang kabang bigas na agad naman niyang ipinakiskis.

Ayon sa matanda, mag-isa na lamang siyang namumuhay kung  kaya sa kabila ng kaniyang katandaan ay napipilitan pa rin itong kumayod may maipambili lamang ng pagkain at gamot para sa kaniyang karamdaman.


75-anyos na lola, pamumulot ng palay ang diskarte para makakain 75-anyos na lola, pamumulot ng palay ang diskarte para makakain Reviewed by admin on April 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.