Dalawang Paslit, Inabandona Ng Kanilang Ina Na Bibili Lang Daw Ng Payong Pero Di Na Binalikan Ang Mga Kawawang Bata



Ang pagiging magulang ay isang responsibilidad na hindi dapat tinatakasan. Ito ay gampanin na habangbuhay natin dapat gampanan at lalo na kung ang mga anak natin ay mga musmos pa lamang.

Nasa sa mga magulang ang matukoy ang kapalaran ng kanilang mga anak kapag lumaki na sila. Tungkulin din ng mga magulang na maibigay lahat ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

Nakalulungkot isipin na ngayon may mga magulang na kayang abandonahin ang kanilang mga anak. Tulad ng dalawang magkapatid na iniwan sa harap ng isang restaurant sa Valenzuela.

Isang empleyado ng Mang Inasal  sa People's Park sa Valenzuela City ang nagpost tungkol sa isang kapatid na inabandona ng kanilang ina sa harap ng nasabing restaurant. Nasa larawan ang isang batang lalaki na bitbit ang kanyang kapatid sa harap ng restaurant. Galing sila sa Tondo at iniwan sila sandali ng kanilang ina upang bumili ng payong ngunit hindi na bumalik.


Ayon sa post ni Myleen, ang mga bata ay nasa harap ng restaurant ng 6AM ng umaga. Napansin niyang matagal silang nakaupo sa gilid nito. Lumipas ang ilang oras at nilapitan ni Myleen ang mga bata upang kamustahin at tanungin kung nasaan ang kanilang mga magulang.  Sinabi ng mga bata habang umiiyak sila na nais na nilang umuwi ngunit hindi nila alam kung paano.

“Kung sino man po ang magulang ng mga batang to pakibalikan naman sila. Kawawa yung mga bata kanina pa daw 6 am naghihintay dyan.  Nagpaalam lang daw ang nanay nila na bibili lang ng payong pero hindi bumalik. Taga TONDO daw po sila. Gusto na nilang umuwe pero hindi nila alam kung pano. 

Please share. Thanks – Mang inasal people’s park valenzuela city.

Kahit na po nagviral na ang post na ito ay di pa din binabalikan ang mga bata.



Dalawang Paslit, Inabandona Ng Kanilang Ina Na Bibili Lang Daw Ng Payong Pero Di Na Binalikan Ang Mga Kawawang Bata Dalawang Paslit, Inabandona Ng Kanilang Ina Na Bibili Lang Daw Ng Payong Pero Di Na Binalikan Ang Mga Kawawang Bata Reviewed by admin on April 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.