Hindi na napigilan ng isang lalaki na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa lahat ng panghuhusga ng publiko dahil lamang sa kaniyang paghahanap-buhay bilang isang tindero.
Ayon kay Andrew Pineda, graduate ng Bachelor of Secondary Education Major in English, madalas niyang naririnig ang pagmamaliit sa kaniya ng mga tao dahil sa halip na nagtuturo ay nagtitinda siya ng almusal at ulam kasama ang kaniya ina.
“Diba kumuha ng kursong Educ ‘yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap ka na [ng] work,” komentong palaging naririnig ni Andrew sa mga ibang tao.
“Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hangga’t nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga ay may silbi at sense tayo sa lipunan," sabi ni Andrew
Dagdag pa ng binata, mahirap makahanap ng trabaho ngayon lalo na at pandemya. Sa halip na mag-inarte, dapat raw ay maging madiskarte na lamang sa buhay upang makaraos sa kagipitan.
No comments: