Mga jeepney driver na hindi pa makabiyahe, kanya-kanyang limos sa kalsada para mabuhay



Imbes na maghintay ang mga jeepney driver sa Go signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buksan ang kani kanilang ruta pansamantala muna silang nag hahanap ng madidiskartehang tarabaho simula ng maitupad ang lockdown sa Metro Manila.

Katulad nalang ni Reydon na dalawang dekada ng jeepney driver at pansamantala munang namasukan bilang isang taxi driver para may pangtutos lang sa nirerentahang bahay at maging sa pag-aaral ng kanyang anak

“yung ruta namin mula rosas hanggang mercury sa cubao, pero hindi parin sapat yung kinikita namin araw-araw di katulad ng dati sa jeep kaya dun muna kami magtyatyaga sa taxi walang pag kakakitaan lalo na nag uupa kami ng bahay kaya dun muna kami sa taxi na yon” ayon sa jeepney driver na si Reydon 

Isa pang jeepney driver na si tatay Ramilyo dahil nga hindi pa nakakabyahe ang ruta niya fairview papuntang gawait naghanap siya ng ibang jeepney operator na may ruta na pwede ng bumyahe nakihiram muna ng jeep para ito ay makapamasada.

“Nag hahanap po ako ngayon ng jeep na may pwedeng ruta kesa naman sa matengga kami ngayon at walang makukuhanan ng pera kase may anak at pamilya tayong tinutustusan”

Sa nagyon may nakikitang hanap buhay ang ibang jeepney driver sa kabilang banda naman marami parin ang walang alternatibong pag kakakitaan at namamalimos parin sa kigild ng kalsada dahil na rin sa COVD-19 Pandemic. 

Ayon kay Roberdo isa sa mga head ng pasoda piston, nasa 50 jeepney drivers pa ang namamalimos araw-araw sa kahabaan ng fairview dahil wala nga itong mapag kakakitaan ang kanilang panawagan na sana mabigyan sila ng ayuda pinansyal para sa ganon makapag simula sila muli kahit na maliit na negosyo lang.


Mga jeepney driver na hindi pa makabiyahe, kanya-kanyang limos sa kalsada para mabuhay Mga jeepney driver na hindi pa makabiyahe, kanya-kanyang limos sa kalsada para mabuhay Reviewed by admin on April 30, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.