Isang 88-anyos na ama ang sinaksak at napatay ng sarili niyang anak sa Barangay Del Monte, Quezon City. Ang hinihinalang motibo sa krimen, mana sa lupa.
Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Roberto Alviz, na dinatnan ng mga awtoridad ang duguang katawan sa ibabaw ng kama.
Naaresto naman at nagtamo ng tama ng bala sa balikat ang suspek na si Arnelito Alviz.
Kuwento ng isa pang anak na si Arman, nakarinig siya ng kalabog sa itaas ng kanilang bahay at nang umakyat siya ay nakita na niyang nahiga na ang kaniyang ama at may hawak na patalim ang kaniyang kuya.
Hindi raw inakala ni Arman na magagawang patayin ng kaniyang kuya ang kanilang ama, bagaman talaga raw na hindi magkasundo ang dalawa.
"Kasi ang kuya ko iba ang takbo ng isip," ayon kay Arman na nagsabing gumagamit noon ng droga ang kapatid.
Ayon sa barangay, posibleng alitan sa pamanang lupa ang ugat ng krimen.
"Kumukha pa siya ng another part ng mana," sabi ni Kagawad Conrado Lalu. "Eh wala nang maibibigay yung magulang siguro kaya nagalit siya."
Dinala sa ospital ang suspek para magamot ang tinamong sugat sa balikat at isinailalim na rin sa COVD-19 test bilang pag-iingat.
Mahaharap siya sa reklamong parricide
NARIRITO ANG VIDEO PANOORIN:
No comments: