Panoorin:5-taong gulang ni-rap3 ng 61-anyos na lolo sa sementeryo



ALABAT, Quezon – Maagang nawasak ang kinabukasan ng isang 5-anyos na batang babae matapos na pagsamantalahan ng sariling lolo sa loob ng Municipal Cemetery Brgy. 1 ng bayang ito, kamakalawa ng umaga. Pansamantalang nasa pangangalaga ng Municipal DSWD ang biktimang itinago sa pangalang Mary Jane, residente ng Brgy. 3 samantalang kinasuhan na ng statutory rape ang arestadong suspek na si Florentino Jugueta, 61 ng nasabi ring lugar. Sa salaysay ni Mary Jane kay PO1 Juliet Barreto ng Womens Desk Section, nabatid na dakong alas-9:00 ng umaga ay

mag-isang naglalaro ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng lapitan ito ng kanyang lolo at inakit na bibigyan ng kendi. Nang maibigay na umano ng suspek sa apo ang kendi ay kinarga nito ang bata at dinala sa loob ng sementeryo at doon ay isinagawa ang maitim na balak. Nadiskubre lamang kinahapunan ng araw ding iyon ang ginawang panghahalay ng suspek sa apo nang dumaing ang huli sa kanyang ina dahil sa pananakit ng kanyang kaselanan. Batay sa medical examination, positibong ginahasa ang biktima dahil sa nakitang laceration sa kaselanan nito. 

NARIRITO ANG VIDEO PANOORIN:


Panoorin:5-taong gulang ni-rap3 ng 61-anyos na lolo sa sementeryo Panoorin:5-taong gulang ni-rap3 ng 61-anyos na lolo sa sementeryo Reviewed by admin on April 04, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.