Panoorin:Lola Mag-isang iniwan sa loob ng Sasakyan halos hindi na makahinga



Ikinahabag ng publiko ang kaawa awang kalagayan ng isang lola na halos hindi na makahinga ng maayos at pawis na pawis na din matapos maiwan ng kaniyang mga kasama sa loob ng sasakyan.

Ayon sa post ng netizen na si Grace Samillano-Lacusong, nakita umano niya sa malayo ang isang lola na nasa loob ng sasakyan at hindi na makahinga ng maayos at pawis na pawis na din. 

Kaagad namang lumapit si Grace sa security guards at iba pang staff ng SnR Alabang para umano sabihin na kung maaari ay i-page sa naturang establisyemento ang may-ari ng sasakyan. Ngunit, sa kasamaang palad ay wala umanong paging system ang nasabing establisyemento.

Pagbabahagi pa ni Grace, nauuhaw at nagugutom na din daw si Lola kaya naman siya na ang bumili dito ng inumin at pagkain.

Makalipas ang ilang sandali, dumating na din ang may-ari ng sasakyan na dalawang babae. Nagpasalamat naman daw ito sa concern para kay Lola ngunit sinabihan umano siya nito na wala siyang alam dahil may alzh3im3rs si Lola.

Labis naman ang g4lit na naramdaman ni Grace para sa mga kasama ni Lola. Aniya, dapat hindi umano iniwan ng dalawa si Lola gayong mayroon pala itong alzh3imers. Sinabi din ni Grace na kahit pa man wala siyang alam sa mga pangyayari tungkol kay Lola, hindi pa din naman tama na iwan siya mag-isa sa loob ng sasakyan na hindi na makahinga ng maayos, gutom na gutom, at pawis na pawis pa.

Saad pa ng netizen, mas4kit din umano sa kaniya ang pangyayari dahil tila g4lit pa ang dalawa na pinalabas niya si Lola nang sasakyan. Lubos din ang pagkadismaya ni Grace sa babae dahil tila hindi sinsero ang mga ito tungkol sa pag-aalala nila sa Lola na kanilang iniwan.

Basahin sa ibaba ang kabuuang post:



Panoorin:Lola Mag-isang iniwan sa loob ng Sasakyan halos hindi na makahinga Panoorin:Lola Mag-isang iniwan sa loob ng Sasakyan halos hindi na makahinga Reviewed by admin on April 06, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.