Sa Kasipagan Ng Batang Nagtitinda Ng Halaman At Gulay, Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens



Isang netizen  ang nagpost ng kuwento  ng isang bata na kanyang madalas na nakakasabay sa jeep kapag siya ay pauwi na ng Gumaca galing Atimonan, na matiyang  nagtitinda ng mga gulay at halaman. Siya si Leo Rafael "Rafraf" Lumapit, na labing-dalawang taon gulang pa lamang. Hindi niya alintana ang panganib lalo na't  bawal ang lumabas ng bahay ang mga bata dahil sa nararanasan nating pandemya ngayon. 

Ngunit wala siyang magawa dahil katuwang siya ng kanyang ama sa paghahanap-buhay. Habang ang kanyang ama ay taga-tabas siya naman ay naglalako ng mga halaman at gulay, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-aalaga ng kanyang mga kapatid na ang isang kapatid niya ay may karamdaman pa.

 Ayon pa sa bata ng makausap ito ng uploader na si Connie B. Sotomayor-Davila ay siya raw diumano ang inaasahan ng kanyang pamilya na bumili ng kanilang pag-kain, at ayon pa rin sa kanya ay nag-iipon ito ng pera, para sa pambili ng gamot ng kanyang kapatid na, bata pa lang ay may karamdaman na. At kapag wala raw itong naibenta ay wala silang pambili ng bigas at naglalakad na lamang ito pauwi sa kanilang tahanan.

 Kaya naman ay talagang humanga at naantig ang puso ni Connie, di niya raw maiwasan na makaramdam ng kirot sa puso habang pinapakinggan niya ang bawat sagot ni Rafraf sa kanyang mga tanong sa bata.

 Ayon sa uploader ibinahagi niya raw ang kuwento ni Rafraf upang makapagbigay ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan. Na bigyan nila ng importansya ang mga bagay na meron sila ngayon, dahil napakaswerte nila. Na di tulad ng ibang kabataan na sa murang edad pa lamang ay may malaking responsibilidad na naka atang sa kanilang mga balikat.

 At dahil sa post ni Connie ay marami ang nagpa-abot ng tulong sa pamilya ni Rafraf. "Small help to thier family, it doesnt matter kung anong halaga. What really matters is yung laki ng puso ng mga nagbigay at naging daluyan nito God Bless you all. Continue to be a blessing to others na walang hinihinging kapalit."Ayon pa kay Connie. 


Sa Kasipagan Ng Batang Nagtitinda Ng Halaman At Gulay, Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Kasipagan Ng Batang Nagtitinda Ng Halaman At Gulay, Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Reviewed by admin on April 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.