12 million pamilya na nakatangap ng 1st wave ng SAP, makakatangap ulit



Sinabi ng Palasyo ngayong Lunes (Mayo 25), na ang 12 pamilya na kabilang sa unang tranche ng Social Amelioration Program  (SAP) ay mapapabilang muli sa ikalawang distribusyon ng ayuda mula sa programa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bukod sa 12 pamilya na una ng nakatanggap ng ayuda, limang milyon pa ang makikinabang sa second round ng sabsidiya mula sa SAP.

"Puwede na pong ipamahagi yung second tranche ng SAP. So kasama na po diyan yung 5 milyon mga bagong pangalan na bibigyan ng ayuda at yung 12 milyon na dati na pong nakakuha ng ayuda during the first tranche," sabi ni Roque sa isang televised briefing.

Dagdag pa ni Roque, dapat ay umuusad na ang proseso sa pamamahagi ng ayuda. Ang magiging kaibahan lamang ay gagamit ng "electronic way" 

ang pamahalaan sa tulong na rin ng militar.

"Ang pagkakaiba po eh gagamitan na natin ng electronic ways para magbayad dun sa ating mga kababayan, at tutulong na po ang hukbong sandatahan sa pagdi-distribute ng ayuda," sabi ni Roque.

Una ng sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakikipag-ugnayan na ito sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mas maayos na distribusyon ng SAP subsidy.


12 million pamilya na nakatangap ng 1st wave ng SAP, makakatangap ulit 12 million pamilya na nakatangap ng 1st wave ng SAP, makakatangap ulit Reviewed by admin on May 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.