Sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbestiga sa 183 kaso ng mga local government unit (LGU) na sangkot sa anomalya sa distribusyon ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sambit ni Roque, ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na bigyang pansin ang mga lokal na opisyal na hindi sumusunod sa patakaran ng pamamahagi ng ayuda mula sa SAP.
Sinabi rin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na mananagot din sa DILG ang mga LGU na hindi nakatapos ng pamamahagi ng SAP subsidy sa itinakdang deadline.
Base sa report ng DSWD, sa 1,632 baranggay, 1,035 na ang nakatapos sa first tranche ng SAP. Sa updated data naman ng DILG, 1,265 na ang nakakumpleto sa distribusyon ng ayuda.
Dagdag ni Bautista, sa mga LGU na nakatapos na ng first tranche ng SAP, 140 lang ang nagsumite ng mandatory liquidation report at listahan ng mga benepisyaryo.
No comments: