2 taong gulang na bata pumanaw matapos malunod sa timba at hindi mapansin



Wala ng buhay nang madatnan ng inang si Nerlin Grace Sibayan ang kaniyang dalawang taong gulang na anak matapos malunod sa pinagliliguang timba sa Davao Oriental.

Ayon sa kaniyang panayam sa GMA News, iniwan niya ang kaniyang bunsong anak na si Jay sa lola nitong si Nerlita dahil siya ay aalis upang magtrabaho.

Nag-swimming umano si Jay sa timbang puno ng tubig habang wala ang ina. 'Yun nga lang, iniwan ito ng kaniyang lola Nerlita upang magsaing para sa kanilang almusal.

Maya-maya pa, nang balikan na ng matanda ang apo, laking gulat niya nang mapansin niyang wala na itong buhay.

Dinala niya pa raw ito sa health center na kasalukuyan namang naka-lockdown noon dahil sa mga staff na nagpositibo sa COVD-19.

Sa huli, tuluyan ng pumanaw ang bata. Halos gumuho ang mundo ni Nerlin dahil sa biglaang pagkawala ng bunsong anak.


2 taong gulang na bata pumanaw matapos malunod sa timba at hindi mapansin 2 taong gulang na bata pumanaw matapos malunod sa timba at hindi mapansin Reviewed by admin on May 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.