Kalunos-lunos ang sitwasyon ng isang 84-anyos na lola sa kabundukan ng Antipolo, Rizal dahil sa apat na taon na siyang nakaratay dito nang walang kahit na anong atensyong medikal.
Ayon sa ulat ng GMA Public Affairs, si Lola Marilyn Leonez ay na-mild stroke noong Pebrero taong 2017 dahilan upang maparalisa ang kaniyang kalahating katawan.
Pagbabahagi ng kaniyang asawang si Conrado Cortez, dala ng hirap ng buhay, noong 2017 pa nang huling matingnan ng doktor si lola Marilyn.
Mas humihirap pa ang sitwasyon ng mag-asawa dahil sa kawalan ng sapat na suplay ng pagkain, gamot, at iba pa nilang pangangailangan.
Wala ring daloy ng kuryente sa kanilang lugar dahilan upang tiisin nila ang alinsangan at dilim sa tuwing gabi sa kanilang munting kubo.
Dahil dito, nananawagan si Lolo Conrado ng kaunting tulong upang magkaroon sila ng pagkain, gamot, at solar panel na magbibigay liwanag sa kanilang tahanan.
“Nag-iisa na lang po ako, walang mahihingan ng tulong,” saad ni Lolo Conrado.
Sa mga nais magpa-abot ng tulong, basahin ang orihinal na post ng GMA Public Affairs.
No comments: