84-years old na Lola, pinalayas sa sariling bahay at lupa ng matapobreng anak



Napalayas ang 84 na taong gulang na matanda sa kaniyang sariling bahay at lupa matapos itong pwersahang paalisin ng anak na may asawa palang foreigner.

Kasalukuyan ngayong nanunuluyan ang matanda sa bahay  ng isa pa nitong anak na si Dana Bautista na nakararanas din ng panggigipit mula sa sariling kapatid.

Ayon kay Dana, pinatituluhan ng kaniyang kapatid ang lupa ng kanilang ina na walang pasabi kung kaya malakas ang loob nitong paalisin ang ina na may karamdaman.

Dagdag pa ni Dana, maging siya ay pinalalayas na rin ng kapatid dahil inaangkin nito ang lupa na kinatitirikan ng kaniyang tirahan.

p>"Humihingi po kami Ng tulong, Ito Ang aking nanay, 84 years old na siya at may karamdaman. Dito siya sakin nakatira ngayon dahil pnalayas siya Ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili Niyang bahay at lupa," pagbabahagi ni Dana sa kaniyang social media post.

Humihingi ngayon ng tulong si Dana kung ano ang nararapat na gawin lalo pa at idedemanda raw sila ng kanilang kapatid kung hindi pa sila aalis sa kanilang tinitirhan.



84-years old na Lola, pinalayas sa sariling bahay at lupa ng matapobreng anak 84-years old na Lola, pinalayas sa sariling bahay at lupa ng matapobreng anak Reviewed by admin on May 06, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.