Sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang paningin ng isang bata ay tila nagdilim. Pahayag ng tatay, pusa ang may sala?
Ang Nangyaring Aksidente
“Mgandang hapon po sa inyong lahat po. Henge po Sana ako ng tolong sa inyo. Sa anak KO po na hnde inaasahang pangyayari po, 8;15 ng gabe, January 4, araw ng lunes , ng nka hega na sa hegaan ang dalawang Kong anak beglang tumalon ang pusa sa my bentana at nalaglag ang isang perasong jelosi sa kaniyang mata, yon po ang dhilan na tanggalin ang kaliwa niyang Mata. Sana po matolongan po ninyo ako sa mura niyang edad na mwalan ng paningen. Dito po kme sa EAST AVE. QC hospital pacncya na po kayo Kong pakapalan KO ang mukha KO. Mhal na mahal KO ang dalawang kong Anak. Mrameng salamat po.”
Dumaan sa operasyon
Sinugod sa East Avenue Hospital ang bata at kasalukyan paring iniinda ang sakit sa kanyang mata.
Inoperahan ang bata dahil sa malungkot na realidad ay kinakailangan tanggalin ang kaliwa niyang mata.
Labis ang lungkot ng ama kung kaya’t nanawagan ito sa Facebook upang matulungan siya sa operasyon at pagpapagaling ng kanyang anak.
Panawagan ni Danilo,
“…PACNCYA NA PO KAYO KONG PAKAPALAN KO ANG MUKHA KO. MHAL NA MAHAL KO ANG DALAWANG KONG ANAK. MRAMENG SALAMAT PO.”
Dahil sa kanyang post, nalungkot din ang mga netizens para sa aksidenteng nangyari sa bata at may mga ilan narin ang nagpaabot ng tulong para sa bata.
Sa ngayon may nagbigay nang paunang tulong kay Tatay Danilo na isang Mayor.
“Ako po si Danilo Cataquez Maraming salamat po sa dalawang mabutehing Mayor na sina Arthur Robes And Rida Robes Sa Tolong na ibenigay sa anak KO.Malaking Tolong po Ito saking anak,Salamat sa Dios,Dios na bahalang magbalik sa inyo po.”
Narito ang post:
No comments: