Sinigurado sa publiko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nito pormal na isasara ang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) hanggat hindi naibibigay ang ayuda sa lahat ng benepisyaryo ng programa.
“Ang natitiyak po ng DSWD ay makakarating sa lahat ng benepisyaryo ng SAP ang kanilang ayuda,” sabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa isang virtual presser noong Martes (Agosto 18).
Sa kasalukuyan, 92 percent na ng mga target beneficiaries ang nakatanggap na ng cash aid.
Hinihintay na lamang ng DSWD ang Social Amelioration Card (SAC) forms ng mahigit 300,000 na benepisyaryo mula sa mga local government unit at ang validation ng 200,000 pang katao na nasa listahan ng SAP upang maipagpatuloy nila ang distribusyon ng ayuda.
Sa Agosto 19 ang nakatakdang deadline para sa pagsusumite ng mga sac forms ng mga LGU.
Hinihikayat na rin ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na mas pabilis ang pagpasa sa mga kinakailangang dokumento upang mapabilis din ang paghahatid ng SAP assistance sa mga benepisyaryo.
No comments: