Lalaking nakapagpundar ng bahay at magarang sasakyan naghahanap ng asawa para sa kanyang tatlong anak



Kinaaliwan ng netizens ang Facebook post ng isang lalaki na naghahanap umano ng "ilaw ng tahanan" matapos makapagpundar ng sariling bahay, lote, at iba pa.

Pagbabahagi ni Don Dizon, matagal na panahon  niyang hinintay ang pagkakataon na makalipat sila ng kaniyang tatlong anak sa bahay na maituturing nilang sariling pagmamay-ari

Para maabot ito, naging inspirasyon niya ang kaniyang dalawang anak na lalaki at nag-iisang anak na babae

"Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call “our very own”. Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman naguumpisa sa maliit," saad ni Dizon

Iyon nga lang, tila bang may kulang sa buhay ni Dizon at ng kaniyang mga anak dahil hirit niya "Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay." 

Nagbigay pa ito ng detalye para sa monthly budget at iba pang benepisyo ng kaniyang future "iilaw ng tahanan."

"Budget monthly 15k starting. Benefits— Sss,pagibig,philhealth at life insurance. May extra 5k gcash pang online shopping pag lagi malinis ang bahay," sabi ni Dizon.


Dahil dito, marami ang naki-ride at pabirong nag-a-apply sa mag-aama.


Lalaking nakapagpundar ng bahay at magarang sasakyan naghahanap ng asawa para sa kanyang tatlong anak Lalaking nakapagpundar ng bahay at magarang sasakyan naghahanap ng asawa para sa kanyang tatlong anak Reviewed by admin on May 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.