Sobra ang panghihinayang ng 95-anyos na si lola Honorita Gahis mula sa Nueva Ecija matapos nitong masunog ang kanyang sariling ipon na may halagang P14,000
Aksidenteng naipanggatong ni lola Honorita ang bugkos ng pera, na tig-iisang libong piso, habang nagluluto siya ng kanilang sinaing.
Mabilis naman itong nailayo sa apoy ng kanyang apo na si SarahLie Gahis De Guzman, pero nasunog na ang karamihan dito.
“Sa di inaasahang pangyayare ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po,” ayon kay De Guzman.
Nananawagan ngayon ang apo ni lola sa Bangko Sentral na mapalitan sana ang nasunog na pera ni lola. Inipon daw kasi ito ng matanda nang maraming taon.
“Sana po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas kung ito po ay p[we]de pang mapalitan… dahil sya po ay nagsasaing ng mga oras na nangyari po ‘yon,” dagdag niya.
No comments: