Hindi gumagana ang mga hotline number ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash subdsidy program nito, ayon sa mga mambabatas noong Miyerkules.
Sa isang House panel inquiry, sinubukang tawagan ni Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, ng Bulacan's 1st District at chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang mga numero na kung saan, ayon sa mga opisyal ng ahensya, ay maaaring tawagan ng mga hindi pa nakakakuha ng ayuda.
Sa kasamaang palad, hindi naka-connect ang mambabatas sa lahat ng numerong kaniyang tinawagan.
"Yung hotline dapat masagot, at kung hindi masagot, dapat ibig sabihin may kinakausap na ibang tao," saad ni Sy-Alvarado.
Ayon naman kay DSWD Undersecretary Danilo Pamonag, idudulog niya ang problemang ito kay Director Ferdinand Budeng na siyang namumuno sa operations center for resolution ng DSWD.
No comments: