Sa hirap ng buhay ngayong panahon ng pandemya ay madaming tao ang kinakapos sa pera upang ipangtaguyod sa pamilya. merong mga naliligaw ng landas at pinipili ang madaling paraan na magkapera subalit may mga tao din naman na di nasisilaw sa anumang halaga ng salapi na sa kanila ay dumadating. Lalung-lalo na kung ito ay hindi naman nila tunay na pagmamay-ari.
Ito ay pinatunayan ng isang matandang tindero ng donut o Bitso na nagpalamas ng katapatan sa kabila ng kanyang hirap sa buhay.
Isinauli niya ang napulot niyang pitaka na naglalaman ng P10,000 at iba pang mahahalagang bagay.
Ang tindero ay kinilala lamang sa pangalang Tatay Jojo na sa araw-araw na pagpapagal niya sa pagtitinda ng Donut ay di ganun kalaki ang kinikita at sapat lamang para malinis na maitaguyod ang pamilya para sa kanilang pangangailangan.
Nang mapulot niya ang pitaka ay hindi nag dalawang-isip si Tatay Jojo na isoli ito sa nagmamay-ari kaya naman, naisipan niyang magpunta sa pinaka malapit na Barangay Office. Agad naman na nahanap ang may-ari ng pitaka dahil sa loob nito ay mayroong ID na nakita. Kinilalang si Jose ang nagmamay-ari ng pitaka at lubos naman ang kaligayahan niya dahil naibalik sa kanya ang pitaka.
Muli, ito ang ang nagpapatunay na may mga tao pa din ang may ginintuang puso, na kahit sa panahon ng kahirapan gawa o dulot ng kinakaharap nating pandemya ay mas pipilin ang nararapat na desisyon upang maging malinis ang imahe sa harap ng mga tao at higit sa lahat sa harap ng Panginoong Diyos.
No comments: