Sa edad na 47 ay maagang nαιѕтrσкє si Linda dahil sa kaniyang walang humpay na pag kayod upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Ang kaniyang asawa ay isang security guard, habang siya naman ay all around at on call na kasambahay sa kung sino mang gustong magpa serbisyo sa kaniya.
Bata pa lamang si Linda ay kumakayod na ito, dahil lumaki siya sa napaka hirap na buhay.
Kung kaya naman hindi nakakapag taka na maagang nabugbog ang katawan ng ginang, dahilan para sumuko ito.
Ngunit dahil sa nasanay sa asikaso ang kaniyang mga anak at asawa ay tila ba isang maling bagay para sa kanila ang naging kondisyon ni Linda.
Sa una lamang kasi naging maasikaso ang mga ito sa ginang ngunit katagalan ay hindi na nila kayang alagaan ang ina.
Madalas nilang inuuna ang pag gala at pag inom imbis na pakainin nila ang nagugutom at walang kamalay-malay na si Linda.
Hindi na kasi niya kayang tumayo at para sa mga anak niya ay nagiging pabigat na ito sa mga bagay na gusto nilang gawin sa kanilang buhay.
Lubos na nadurog ang puso ng ginang noong minsan ay narinig niyang nag uusap ang dalawa niyang dalagang anak ng kanilang inis sa ina, dahil hindi sila makakasama sa outing magkakaibigan.
At dahil wala nga siyang kakayahang tumayo, o ultimo magsalita ay tahimik lamang siya sa gilid.
Nararamdaman na rin niya ang pagtataksil ng kaniyang asawa, at hindi mapigilan ni Linsa na humagulgol sa sobrang sama ng ℓσσb.
Buong gabi niyang inilugmok ang sarili sa kaniyang mga luha, hanggang sa kasamaang palad ay inatake ito sa puso.
Hindi na niya inabutan ang ospital na labis na ikinagulat ng kaniyang mga anak.
Ang ilaw ng tahanan nilang nagmahal sa kanila ng buong puso ay isang alaala na lamang.
No comments: