Agad na umapela sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payo ng Malacañang sa mga kwalipikadong pamilyang hindi kasama sa listahan sa second wave ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mula sa 18 milyong benipisyaryo ng SAP, 23 milyon na ngayon ang makakatanggap ng tulong pinansyal mula sa programa matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na limang milyong pamilya na hindi nabigyan noong unang distribusyon ng ayuda.
“Ang aking advice sa kanila, siguraduhin na magpalista sila sa barangay. At kung hindi pa rin sila kasama sa bagong listahan na limang milyon, eh umapela kaagad sa DSWD,” sabi ni Roque.
Dagdag pa ng kalihim, nais ng Pangulo na magkaroon muna ng maayos na listahan ng idinagdag na limang milyong pamilya bago simulan ang pamamahagi ng cash aid.
Bukod dito, hangad din ng Presidente na mabigyan lahat ng tulong pinansyal ang 23 milyong benepisyaryong pamilya kung kaya patuloy ang paghahanap nito ng mapagkukunan ng pondo.
No comments: