Panoorin: 12-anyos na bata apat na buwang buntis matapos halayin ng kanyang stepfather na todo bigay ng pera



Isang lolo ang nakatakdang sampahan ng kasong rap3 dahil sa paggagahasa sa kanyang sariling apo na ngayon ay apat na buwan ng buntis.

Nakilala ang biktima na si alyas Bebe, 14-anyos na third year high school student sa isang bayan sa Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PO3 Jiselle Igbaran ng Women and Children's Protection Desk ng Ajuy Municipal Police Station, inihayag ng biktima na noong 2010 pa nagsimula ang pang-aabuso sa kanya ng sariling lolo.

Ngunit nitong nakalipas na mga araw lang natuklasan ng mga magulang ng biktima matapos mapansin na madalas na itong nanghihina at lumalaki ang tiyan.

Nang iusisa ng kanyang mga magulang, doon nalaman na halos dalawang taon na palang hinahalay ng suspek ang sariling apo kapalit ng cellphone at pera.

Ayon sa biktima, binabantaan siya ng kanyang lolo na huwag magsumbong sa kanyang mga magulang.

Ang mga magulang ng biktima ay kadalasan namang wala sa kanilang bahay dahil naghahanap-buhay ang mga ito kung saan karpintero ang kanyang ama at naghahanap naman ng scrap metals at ibang pang bagay ang kanyang ina.

Inamin naman ng lolo ang ginawang panggagahasa sa kanyang apo at handa umanong harapin ang kasong isasampa sa kanya.

NARIRITO ANG VIDEO PANOORIN:


Panoorin: 12-anyos na bata apat na buwang buntis matapos halayin ng kanyang stepfather na todo bigay ng pera Panoorin: 12-anyos na bata apat na buwang buntis matapos halayin ng kanyang stepfather na todo bigay ng pera Reviewed by admin on May 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.