Naging viral kasi ang larawan ni Nanay na kung saan ay makikita mong madumi ang kanyang ulo hanggang sa damit nito dulot ng pagbuhos diumano ng kanyang anak na tomboy sa kanya gamit ang pagkain ng baboy.
Nasa 85-anyos na si nanay at sa ganyan ka tanda naranasan pa niya ang ganitong pananakit ng sariling anak.
Ayon sa nag-post na si Willi Damasco, isang tomboy daw ang anak ni nanay na nagawang sabuyan umano ito ng pagkain ng baboy sa kanyang katawan.
Base pa sa ilang mga komento ng mga netizens na nakakita na ng naturang post, maling-mali ang ginawa ng anak sa kanyang Ina at litaw na litaw ang kawalan ng respeto niya rito. Kahit pa ikatwiran ng anak na may hindi rin magandang nagawa sa kanya ang ina, hindi raw nararapat na humantong sa ganoong pambabastos ang ginawa nito. Kasalukuyang hinahanap ang anak na gumawa nito sa ina niyang may edad na, kaya naman nais na ipakalat ang naturang post.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens: “Nakakadurog ng puso. Pasalamat sya at pinupuntahan sya ng nanay niya.” “Bakit ganyan ginawa? Magulang mo yan nakakaawa mahalin at igalang ang magulang habang nabubuhay sila.ako malungkot ako kasi wala na akong nanay at tatay.” “Kawawa naman si lola..walang kwentang anak tumboy nayan..dapat yan ipakulong”.
Narito ang video panoorin:
No comments: