Panoorin: Batang magsasaka na si Reymark Binigyan ngBagong Kabayo at Grocery ng mga taong Na-antig sa Kanyang Kwento
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Ronz Yuzon ang kanilang pagtulong kay Reymark na nagpaluha sa madaming tao dahil sa kanyang maagang pagkamulat sa hirap ng buhay.
Makakapag retiro na ang kabayo na si Rabanos na naging katuwang ng batang magsasaka na si Reymark Mariano na naitampok sa magazine show na Kapuso Mo Jessica Sojo.
Dahil bagong kabayong ibinigay kay Reymark Mariano, makapagretiro na ang kabayo na si Rabanos na katuwang sa kanya sa pagsasaka na naitampok sa magazine show na Kapuso Mo Jessica Sojo.
“Sobrang thank you po sa mga agent ko at sa mga tumulong Sobrang saya ni reymark meron n po sya bago kabayo and panimula nila ng lolo at lola nya,” ani Ronz.
Makikita na binigyan ng bagong kabayo si Reymark na magiging bagong katuwang niya sa pagsasaka, habang si Rabanos naman na may edad na ay maari ng makapagpahinga.
Binigyan din si Reymark ng mga grocery items at bigas para hindi na ito mamomblema pa sa kakainin nila sa mga susunod na buwan.
Tila naging kasundo din naman kagad ni Reymark ang kanyang bagong kabayo.
Makikita sa isang video na nasasakyan na ng bata ang kabayo na hindi niya pa napapangalanan
Todo pasalamat naman si Reymark sa biyayang natanggap niya mula sa mga tao simula ng ipalabas siya sa KMJS.
Sa nasabing episode ay ipinakita ang paghihirap na nararanasan ni Reymark sa edad na 10 dahil siya na lamang ang kayang magsaka sa kanilang pamilya.
Matatandaan na wala na ang ama ni Reymark dahil sa hinaharap nitong kaso, habang ang kanyang ina naman ay iniwan siya para bumuo ng ibang pamilya.
“Maliit pa ako, ganito na ang trabaho ko. Napapagod na po akong mag-araro. Pero sige lang kakayanin ko para sa pamilya ko,” ani Reymark.
“Araw-araw, nag-aararo ako para sa aking pamilya. ‘Yung kabayo namin na si Rabanos ang kasa-kasama ko po. Ako na rin ang nagpapakain sa kanya tuwing umaga. Mahirap po dahil maliit lang ako. Pero wala naman kaming magagawa. Kailangan na lang pong tanggapin.Ako na lang po ang bumubuhay sa aking pamilya. Kaya kahit maliit ako, titiisin ko po ang hirap.Masakit po sa katawan at sa pakiramdam. Ang hirap po kasi na wala kang pera.
Ang hirap po nang lagi mong iniisip kung makakakain ‘yung pamilya mo sa isang araw. Wala naman po akong ibang magawa kundi magtiis.Minsan, kapag nakikita ko ‘yung ibang bata, naiinggit ako. Nakakapaglaro kasi sila, nakakapag-bike. Pero ako po, nandito sa bukid, nagtatrabaho. Pakiramdam ko po wala na kaming chance na yumaman sa mundo. Pagod na pagod na po ako. Maliit pa lang kasi ako, ganito na ang trabaho ko.”` -Raymark
No comments: