Panoorin:Idol Raffy Tulfo naglunsad ng sariling Community Pantry Dinagsa ng maraming Tao



Nasa 100 tao lang kada batch ang pinapayagang pumila para masiguro ang physical distancing sa lugar. 

May nakabantay din na mga pulis at medical team kung may emergency.

Iikot saiba't ibang barangay ang team ng Raffy Tulfo in Action hanggang Martes para magtayo ng community pantries.

Nagsimula nang mag-ikot ang RTIA sa iba’t-ibang barangay sa Metro Manila para sa inorganisang community pantry ni Idol Raffy. 

Sa day 1, Sabado, May 22, dalawang barangay ang dinayo ng RTIA para mag-abot ng mga bayong na naglalaman ng mga groceries. 

Ito ay ang Brgy North Bay Blvd South, Kaunlaran, Navotas City at Brgy Commonwealth sa Quezon City.

At sa 2nd day, Linggo, May 23, pinuntahan naman ng RTIA ang Brgy Payatas, Quezon City at ang Brgy 64 sa Tondo, Manila.

Ito ay magpapatuloy hanggang Martes, May 25, kung saan apat pang mga Brgy ang pupuntahan ng RTIA para sa food distribution. 

At ang bawat brgy na pinupuntahan ay nakakatanggap ng 625 na bayong.

Ang bawat bayong na ipinamamahagi ay naglalaman ng mga sumusunod:


5 kilos of rice

2 canned sardines

2 canned sausages

2 canned corned beef

2 canned meatloaf

2 pcs of instant noodles

2 pcs of instant pancit canton

1 pack of crackers for adult

1 pack of biscuits for kids

5 twin packs of instant coffee mixed

1 bath soap

3 sachet detergent powder

2 toothbrush

2 sachet of toothpaste

1 container of alcohol

10 pcs KN95 face masks.

Nais namin pasalamatan ang LYKA community na nagbigay ng LYKA gems sa RTIA account na umabot sa P2.2 Million. Maging ang Ultra Mega Supermarket para sa 500K worth of groceries.

Ang amin din pong pasasalamat sa mga taga-LGU at PNP ng mga pinupuntahan naming mga brgy dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa amin.

Salamat din sa ACT-CIS at kay JR Que na nagpahiram ng kanyang mga truck at mga tao. 

Panoorin ang video:



Panoorin:Idol Raffy Tulfo naglunsad ng sariling Community Pantry Dinagsa ng maraming Tao Panoorin:Idol Raffy Tulfo naglunsad ng sariling Community Pantry Dinagsa ng maraming Tao Reviewed by admin on May 24, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.