Kilala na sa buong mundo ang kasipagan ng pinoy lalo na sa ibang bansa bilang OFW o Overseas Filipino Workers sa ibat-ibang bansa at kung paano dumiskarte para madagdagan ang kita para sa pamilya.
Minsan ay kailangan nating mag desisyon para sa mga bagay na ikabubuti at ikakasama natin. May mga pagkakataon na sinusubukan tayo ng tadhana. Ngunit lagi nating tatandaan na may Diyos na nanonood sa atin sa lahat ng hakbang na ating tatahakin
Isang kapwa Pinay OFW din ang nagmamalasakit para iparating ang kalagayan ng kanyang kasama sa trabaho sa Kuwait dahil binataan itong ipakulong dahil nagnanakaw umano ng pera sa amo niyang arabu. Ang masaklap pa matagal na din sinasaktan si kabayan at pinunit pa ang pera niyang 5K.
Ito ang post ni Sharmaine Magana
Guys pa help naman..pano un may pinay ako kasama dto bali sa kabilang bahay sya naka tira ngayon nagka aberya sa amo nya na pinag bibintangan syang nagnakaw.lahat ng pera nya na 5k pinunit ng amo nya..ung ibang gamit nya hindi binigay ng amo nya..tas ngayon pumunta dto ung police kinuha ung pera nyang 600kd.kawawa naman.sana matulungan sya matagal na din syang sinasaktan ng amo nya..pwd bang ilapit natin kay sir raffy tulfo para ma aksyonan…kawawa naman sweldo nya un…eh kinuha lang basta basta…sabi kc ng police pag hindi binigay ikukulong sya..please pray naman natin sya at maka rating kay sir raffy.patulong naman po..
Dahil sa kahirapan sa buhay na nararanasan ng ating mga kababayan sa bansang ating sinilangan ang Pilipinas, maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para makahanap ng medyo malaking pagkakitaan para may pangsuporta sa gastusin at pangangailangan.
May iba naging maswerte sa kanilang amo pero kadalasan, nalalagay sa agryabado ang mga Pilipino lalo na sa bansang arabu. Meron hindi pinapakain at at meron din hindi pinapasweldo at masaklap kung hindi kapapauwiin ng mga arabung.
Sa ngayon humihinhi ng tulong ang ating kababayan na matulungan ang kanyang kasama sa Kuwait para makauwi sa Pilipinas.
Sa mga gustong tumulong kay kabayan kontakin nyo lang si Sharmaine Magana sa kanyang personal facebook accounnt.
Narito ang post:
No comments: