Pinoy sa Canada,tumama sa lotto ng $60-M



Halos lumipad sa tuwa ang magpapamilyang Pilipino sa Canada matapos maswerteng masungkit ang pinakamalaking lottery jockpot prize sa kasaysayan ng Manitoba na nagkakahalaga ng $60 million o humigit P2.88 billion.

Napanalunan ni John Chua ang Lotto Max jackpot noong Enero 22. Wala siyang kamalay-malay na nagwagi na pala siya ng napakalaking salapi hanggang sa makatanggap siya ng mensahe sa kaniyang email na tumama nga siya sa lotto.

Aniya, hindi sila makapaniwala ng kanilang pamilya sa natanggap na balita. Akala pa nga ng kaniyang ina ay pina-prank o niloloko niya na naman ito

Naging blangko umano ang kanilang isipan at napagpasyahan na huwag munang umasa sa napakalaking premyo hanggat hindi nila nakakausap ang lotto office sa kanilang lugar.

Haggang sa noong Pebrero 2, natanggap na ni Chua at ng kaniyang pamilya ang tumataginting na $60 million sa Winnipeg office of the Western Canada Lottery Corporation

Ayon kay Chua, magiging maingat siya sa mga magiging plano niya sa nakuha niyang premyo lalo pa at mayroon siyang mga anak. Sambit niya, sa ngayon mas iniisip niya ang kanilang kalalagyan sa hinaharap.


Pinoy sa Canada,tumama sa lotto ng $60-M Pinoy sa Canada,tumama sa lotto ng $60-M Reviewed by admin on May 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.