PWD natulala na lamang matapos itapon ng lasing na pulis ang kanyang panindang isda



Nagkalat sa kalsada ang mga panindang isda ng isang lalaki na may kapansanan sa pagsasalita matapos umanong itumba ang lamesang pinagpapatungan ng mga ito ng isang lasing na pulis.

Dahil walang kalaban-laban, natulala na lamang ang tinderong PWD sa ginawa ng pulis sa kaniyang mga paninda.

Ayon sa nagbahagi ng post na si Olive Abiera, natural daw na mayabang ang nasabing pulis sa tuwing nakainom ito.

"Eto po yung may kapansanan na nagtitinda ng mga isda sa palengke, yung pulis na lasing tinumba at ikinalat sa kalsada ang paninda nya, mayabang pag nakainom ang tao na yun," sabi ni Olive sa kaniyang facebook post.

Marami ngayon sa mga netizen ang nagagalit sa inasal ng pulis lalo pa at ito dapat ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayaan sa kanilang lugar.


PWD natulala na lamang matapos itapon ng lasing na pulis ang kanyang panindang isda PWD natulala na lamang matapos itapon ng lasing na pulis ang kanyang panindang isda Reviewed by admin on May 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.