Senator Gatchalian "Mababawasan sana ang mga nagugutom kung hindi delay ang SAP"



Nagpahayag ng pagkadismaya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang senador na si Sherwin Gatchalian dahil sa mabagal na distribusyon ng ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas.

Sa isang virtual interview kasama ang mga reporter, tahasang sinabi ni Gatchalian na maiiwasan sana ang 5.2 milyong bilang ng mga nagugutom sa bansa kung mabilis at maayos lamang ang pamamahagi ng DSWD sa ayudang mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


"Isa sa mga underperforming agencies ay itong DSWD dahil ang bola nasa kamay na nila pagdating sa pag-e-execute nitong SAP at hanggang ngayon wala pa rin [ang second tranche]," sabi ni Gatchalian.


Pagbibigay diin pa ng Senador, maituturing na "mortal sin" ang mabagal na aksyon ng ahensya. Aniya, hindi pwedeng gawing palusot muli ng DSWD ang mga problemang kinaharap na noong unang tranche ng SAP.


"'Yung unang SAP, puwede pa natin patawarin na mabagal, magulo, ang database hindi maayos but we've already learned from that first SAP. Nasa second SAP na tayo, hindi mo na puwedeng gamitin [palusot] na magulo, si mayor pa rin, it's really execution," saad ni Gatchalian.


Senator Gatchalian "Mababawasan sana ang mga nagugutom kung hindi delay ang SAP" Senator Gatchalian "Mababawasan sana ang mga nagugutom kung hindi delay ang SAP" Reviewed by admin on May 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.