72 residente ang nagpositibo sa COVD-19 matapos ang isang mass gathering at inuman session sa isang lugar sa Quezon City.
Iniutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa City Legal Department na imbestigahan ang barangay captain Matandang Balara at homeowners association president kaugnay ng kanilang kabiguan na pigilan ang isang pagtitipon at inuman sa kanilang lugar.
Ayon sa alkalde, kapansin-pansin na dumadami ang ganitong uri ng insidente sa lungsod, kung saan maging ang mga opisyal ay nagiging maluwag sa pagpapatupad ng minimum health protocols.
"Napapansin natin na dumadami ang ganitong klaseng mga insidente. The spread could've been prevented but we see that some people, including persons in authority, have started to become lax in the enforcement and practice of minimum health protocols," ayon kay Belmonte base sa report ng CNN.
Umaasa ang alkalde na magiging wake-up call ang insidente sa lahat upang lalo pa silang maging maingat upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
No comments: