Anak ng pulis na nasawi sa COVD-19, doble ang pasakit matapos siya ay may virus



Dobleng dagok ang naranasan ni Bianca Lei Dela Rosa nang magpositibo ito sa COVD-19, ilang araw lamang matapos pumanaw ng kanyang pulis at frontliner na ama nang dahil din sa virus.

Magbuhat noong magkasakit ang ama, si Bianca na ang nag-alaga rito kung kaya alam niya ang hirap na dinanas nito sa virus. Kalaunan, ay nakaramdam din siya ng sintomas ng COVD-19 at kinuhanan siya ng swab test. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay iyon na rin pala ang mismong araw ng pagpanaw ng kanyang ama.

Habang nagdadalamhati pa si Bianca at ang kanyang mga kapatid sa pagkawala ng kanila ama, noong Abril 5 ay nakumpirmang positibo na rin siya sa COVD-19.

"'Di ko po alam kung paano or kung saan ko ba kailangan magpagaling? Kung sa sakit ba na COVD-19 o sa sakit po noong pagkawala ni Papa," sabi ni Bianca

Matapos ang mahigit isang buwan na pag-isolate ng kanyang sarili, ay nagnegatibo na si Bianca sa virus. Mayo 5, nang maideklarang COVD-19 free si Bianca na positibo pa rin ang pananaw sa buhay.


Anak ng pulis na nasawi sa COVD-19, doble ang pasakit matapos siya ay may virus Anak ng pulis na nasawi sa COVD-19, doble ang pasakit matapos siya ay may virus Reviewed by admin on June 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.