Doc Willie Ong, may handog na regalo sa mga tunay na sumusuporta


Upang maibsan ang lungkot ng marami dahil sa pagkain at pera, napagdesisyunan ng sikat na internist at cardiologist na si Dr. Willie Ong na magbahagi ng mga regalo sa mga kaniyang maswerteng mapipiling tagasuporta.

Kamakailan lamang ay nagtanong ang doktor sa kaniyang official Facebook page kung ano ba ang gustong regalo ng kaniyang mga tagasuporta na maaari niyang ipadala  sa pamamagitan ng delivery service.

Tablet man, cellphone, pera,  laruan o kung ano-ano pa ay maaaring i-komento ninuman sa comment section ng naturang Facebook post ng doktor.

Ayon kay Doc Ong, walang ibang kapalit ang kaniyang paghahatid ng regalo liban na lamang sa pagdadasal at pagpapasalamat sa Diyos sa buhay na ipinagkaloob nito.

Dagdag pa niya, bagamat sobrang dami ng humihingi ng tulong, gagawa siya ng paraan upang makahagilap ng pera at maipamahagi ang mga ito sa mga nangangailangan upang mas makapaghatid pa siya ng kasiyahan.

Sa ngayon ay kasalukuyang namamahagi si Doc Ong ng tablet, cellphone, bigas at gamot alinsunod sa mga hiling ng mga humihingi ng tulong. Asahan daw na marami pang regalo ang darating sa mga susunod na araw.


Doc Willie Ong, may handog na regalo sa mga tunay na sumusuporta Doc Willie Ong, may handog na regalo sa mga tunay na sumusuporta Reviewed by admin on June 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.