Panoorin: 4-anyos na bata,Nakapag-ipon ng malaking pera !



Hinahangaan ngayon ang isang 4-anyos na batang babae na si Althea Tumapon mula sa Lanao del Norte dahil sa kaniyang murang edad ay masinop na siya sa paghawak ng kaniyang pera.

Tunay nga ang kasabihang, “Kapag may isinuksok, may madudukot.” Ang pera kasing naipon ng bata, pansamantalang nagamit ng kaniyang mga magulang noong Enero matapos manganak ang kaniyang ina. Parehong pipi at bingi ang mga magulang ni Althea.

Ang perang iniipon ng bata ay mula sa mga ibinibigay na pera ng kaniyang lolo, lola at mga tiyahin.
Wala umanong nagturo sa bata kung paano mag-ipon. Nag-iipon siya para sa kaniyang napipintong pagpasok sa paaralan at sa kaniyang kapatid.

Ngayong nasaid ang perang unang naipon, sisimulan ulit ni Althea na magipon muli. | :: Marefe Sanes

Panoorin ang video :


Panoorin: 4-anyos na bata,Nakapag-ipon ng malaking pera ! Panoorin: 4-anyos na bata,Nakapag-ipon ng malaking pera ! Reviewed by admin on June 12, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.