Panoorin: 8 taong gulang na bata, nangungutang sa tindahan para may makain ang inang may sakit pati ang kanyang mga kapatid
Nakakaantig ang kwento ng isang walong taong gulang na bata na siyang tumatayong ina at naghahanap ng paraan upang makakain ang kanilang pamilya.
Sa Youtube video ng vlogger na si "Virgelyncares" nakilala ang batang si Jenny na nangungutang sa tindahan ng kape at asukal para sa kumakalam na sikmura ng kaniyang ina na may malubhang karamdaman.
Base sa kwento ng ina ni Jenny sa naturang vlogger, siya raw ay nabinat matapos manganak at magmula noon ay nakahiga na lamang siya at hindi na makakilos.
Dahil dito, hindi na niya maalagaan ang kaniyang mga anak at tanging si Jenny na lamang ang nag-aasikaso sa kanilang pamilya lalong-lalo na sa kaniyang bunsong kapatid.
Ang kanilang padre de pamilya naman ay isinama umano ng kanilang kapitbahay nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakakitaan. Gayunpaman, hindi ito sapat para sa pangangailangan ng mag-iina.
Mabuti na lamang at mabait at pasensyoso ang may-ari ng tindahan dahil kahit pa matagal kung makapagbayad ang pamilya, patuloy pa rin ito sa pagpapautang.
Nang tanungin ng vlogger si Jenny kung ano ba ang hiling nito para sa pamilya, inamin niya na gusto niya sana ng kotse upang sila ay makapamasyal.
Subalit, ipinaliwanag ng vlogger na wala siyang kakayahan na makabili ng kotse kaya naman humiling na lamang ang bata ng limang sakong bigas na agad naman tinugunan ng vlogger.
Marami ngayon angg humahanga sa katatagan ng batang si Jenny dahil sa murang edad siya na ang umaako sa responsibilidad ng kaniyang ina. Sa kabilang banda, marami rin ang nagpasalamat kay Virgelyncares dahil sa kaniyang pagtulong sa pamilya.
Panoorin ang kwento ng pamilya sa vlog ni Virgelyncares
No comments: